
Sapat pa ba ang “Parental Guidance” na babala sa mga palabas ngayon? Base sa obserbasyon ko sa mga napapanood ko ngayon sa telebisyon, hindi pang-menor de edad at hindi rin talaga para sa buong pamilya ang mga palabas sa kasalukuyang panahon. Karamihan sa mga ito ay mga naglalaman ng suggestive content at punong-puno ng mga ideolohiyang hindi Pilipino at nakakapanama sa moral, partikular na ang premarital sex o pagtatalik at kahit kasal na, pinapakita pa ring nagtatalik ang magasawa. Sa opinyon ko’y hindi ito tama sapagkat napapanood ito ng mga bata.
Parang maliit na alkansya ang utak ng mga bata na hinuhulugan ng samu’t saring ideolohiyang humuhubog sa kanyang pagkatao. Grabe ang presentasyon sa pakikipagtalik at halos lahat ng palabas ngayo’y may eksena ng pagtatalik ng magkasintahan. Ang “assertiveness” o patuloy na pagpapakita ng pagtatalik sa mga palabas (na ipinagmamalaki nilang para sa buong pamilya *uboubomarimarubomarianriveradingdongdantesuboubo*) ay nakakapangiliti sa malilikot na imahinasyon ng mga tao at ang stoic (umaalinsunod na prinsipyo ng moralidad) na kultura na mga Pilipino ay nagiging isang kulturang hedonistiko (maka-makamundong pagnanasa). Hin uhubog ng mga ganitong uri ng palabas ang utak Pilipin, at ginagawang utak Amerikano. Kailan kaya magigising ang media sa katotohanang patuloy nilang nirurumihan ang utak ng mga Pilipino. Sa pagtatanim ng mga ideolohiyang kababuyan sa utak ng mga tao, ang aanihin ng bansa ay tiyak na dumi lamang.
At ngayo’y nagtataka pa ang mga tao kung bakit talamak na ang kamanyakan sa mundo at maging pipitong taong gulang na bata alam na ang ibig sabihin ng salitang sex, alam na kung paano makipagtalik,at nangangati ng makakita ng hubad na katawan. Kaya’t 14 taong gulang pa lamang, may 4 na anak na, 16 pa lamang naka rape na o kaya nakabili at tikim na ng puta (ang masakit pa’y pinagmamalaki pa ito ng mga bobo). Hirap na hirap ng lumamon ang sandamakmak na Pilipino tapos hinihikyat pa ng media na makipagtalik ang tao o “tama at ayos lang ang pakikipagtalik” = magparami.
Lumuha aking bayan, lumuha ka para sa mga anak mong kaawa awa.