Peb 14, 2008 +Balentayns+

Pebrero 14, 2008: Maligayang Araw ng mga Puso o Happy Valentines sa lahat ng nilalang na nakababasa nito. Ang Araw ng Puso ay para sa lahat ng may puso (at natural naman, lahat ng nabubuhay na bagay ay may puso diba?)

feb14.jpg

Ngunit sa mundong ito, ang araw ng mga puso ay para lamang sa mga heterosekswal. Winawalang kwenta at malala pa, ay pinandidirihan ng nakararaming tao (sapagkat higit pa sa kalahati ng populasyon ng mundo ay sarado ang isipan at walang lohika) ang mga homosekswal na relasyon at ang mga homosekswal na tao mismo. Patuloy na kinukulong sa kahon ng “Pagkalalake” at “Pagkakababae” ang sangkatauhan ng mapang-alipustang lipunan.

Nakalulungkot na ang pantay-pantay na pagtingin sa lahat ng tao ng mga sinaunang Pilipino noon ay nawala na sa lipunan nating mga Pilipino ngayon. Walang “gender” o “gender roles” o “sexual preference” ang sinaunang lipunang Pilipino. Nagkataon lamang na nagpadamay tayo sa sexual discrimination ng mga Kastilang sumakop sa atin noong araw.

Wala na ang mga Kastila sa ating bansa para pagpilitan na dinidikta ng relihiyon at ng lipunan nila na ang lalake ay sa babae at ang babae ay sa lalake at makasalanan lahat ng pumapatol sa kapwa babae o kapwa lalake. Ngunit sadyang naging homophobic na ang nakararami nating kababayan. Burado na ang pagiging patas sa lahat ng kasarian ng mga sinaunang Pilipino noon.

Maligayang Araw ng Puso sa lahat.

12 Responses to “Peb 14, 2008 +Balentayns+”

  1. itazuranara Says:

    Nakakalungkot, ngunit ito’y bahagi na ng katotohanang ating kinakagisnan. Iyan lamang ang nasasabi ko tuwing napag-uusapan ang kasalukuyang katayuan ng ating nakakaawa nang lipunan. Sa aking paghihimay ng bawat paskil mo rito na lagi kong sinusubaybayan , hindi ko maiwasang maisip na kung may magagawa pa ba tayo para baguhin ang mga ito, o di kaya’t sadyang tutunganga na lang ba tayo sapagkat wala nang pag-asa? Ika nga, nababalutan ang mundo ng mga taong ignorante’t nakakaawa. Kung nais ng karamihan sa atin ng pagbabago, nawa’y sumagi man lang sa kanilang isipan ang mga ganitong bagay, nang sa gayon ay maging makatotohanan ang pagbabagong kanila’y ninanais at hinahanap-hanap. (=_=);;

    Siya nga pala, nais ko rin lamang bumati , kahit na alam na nating pareho na medyo huli na ang pabating ito. Maligayang araw ng puso rin sayo, at nawa’y naging masaya ka sa araw na iyan. XD

  2. May magagawa tayo: PATAYIN LAHAT NG HINDI SUMASANG-AYON
    hwekhwekhwekhwek! biro lang…pero pwede rin *tawang pilya*

    Tama ka, nakagisnan na nga rin kasi ng mga Pilipino ngayon ang kulturang inapektuhan na ng kolonyalismo e.. kaya’t talagang napakahirap tuwirin muli ng nabaluktot na utak/ideolohiya ng ibang tao..

    Maligayang araw ng Puso din! masaya din naman ako…hehe…salamat sa Meiji ha!

  3. Unti-unti na rin na nagbabago ang mundo. Ngayon ay may nakikinig na rin sa mga hinaing ng mga homosexual. Sa ibang lipunan – kinikilala na rin na ang halaga ng same-sex marriage ay kasing timbang na rin ng heterosexual marriage. Mag-uumpisa sa batas – kaibigan, nauna ang mga babae (women’s lib), sinundan ng kulay (pag buwag ng apartheid) at ngayon naman – the last vistage of man’s prejudice – homosexuality.

  4. Ngunit iilang tao pa lamang ang nakikinig sa hinaing ng mga homosexual. At kung naririnig man, nagbibingibingihan at manamaliit pa rin sila ng nakararami sa mga tao ngayon. Ang higit na pinagtutuunan ko ng pansin ay ang discriminsasyon sa mga homosekswal sa kasalukuyang lipunang Pilipino. Dati naman kasi, wala diskriminisasyon sa mga homosekswal. AT nabibilang pa lang sa mga daliri ng isang kamay ang mga batas para sa mga homosekswal.

    Kung di man harapang nilalait ang mga homosekswal ay makikita ang diskriminsasyon sa biswal o verbal na pamamaraan. Naryan ang mga papel ng bakla sa mga SITCOM bilang madadaldal, naghahanap lagi ng lalaki at kadalasa’y ang trabaho nila ay nasa Beauty Parlor at nagpapaganda ng kapwa. Makasalanan pa rin ang tingin ng nakararaming Pilipino sa mga homosekswal (sapagkat karamihan din sa ating mga kababayan ay katoliko) kahit na hindi naman sila nanakit ng kapwa nila at nagsisimba Linggo-linggo.

    Sa isang boy’s school sa Pilipinas, itago na lang natin sa pangalang SAN BEDA (haha) ay may isinasagawang masculinity test kung saan isinasala nila ang mga may posibilidad daw mabakla sa mga tunay na lalake. Kapag binagsak ng isang lalake ang masculinity test (sa pamamagitan ng pagpapakita ng “feminine” ta di-raw-panglalakeng behavior) ki-kick outin na siya kahit ano pang talino at bait niya.

    Sana nga mabuwag na sa Pilipinas (at sa buong mundo na rin) ang sexismo.

  5. Hindi ako magpapangap na nauunawaan ko ang damdamin ng isang homosexual. May mga kaibigan ako sa Boy’s High School (Baguio) na nagpahayag na rin ng kanilang tunay na sexualidad. Ng una ay nabigla ako at di makapaniwala – ngunit mabuti at matalino silang tao at kahit ano pa ang kanilang orientation – isang mabuting kaibigan ang pagkakilala ko sa kanila.

    Ang pagbabago ay mabagal – ngunit sino ang mag-aakala na si Mrs. Rosa Parks – isang ordinaryo na tao – sa maliit na pagprotesta niya sa isang bus – would live to see the day that she sits next to the President of the United States as a symbol of the changing attitudes towards the African Americans. Hanggang ngayon ay may prejudice pa rin sa may kulay – maging itim o gaya nating kayumangi. Pero may pag-asa ang mundo :-)

  6. *tao poooo…tuloy po ako…*

    huh? *shocked*
    di yata ako bagay dito…maselan yata ang pinag-uusapan nyo?…..uhm…gusto ko sanang makialam…pero, baka, subali’t datapwa’t…kailangan ba talaga usapang Pilipino sa Pilipino…mauubos ang tagalog ko nito… si “kuya” rommel nakakarelate sa topic…
    Talagang itong topic na ito ay maselan(chaka), na ever since naging malaking issue naman talaga ang pagiging bi-sexual ng iba nating mga “kapatid”…nako…mataas na pagpapaliwag ang kailangan dito. Pero konti lang ang sasabihin ko…”kailangan pa bang pagtalunan yan?…”, ewan ko ba kung bakit may third sex pa…pa’no ba na-discover yan?…eh, kung ang girl magpaka-”gurl” nalang talaga at yong boy ay magpaka-boy na rin…naks!
    alis na ako…magagalit parents ko sa pinagsasabi ko dito..
    *yumuyuko paalis…*

  7. Sakura, ang gender ay isang biolohikal na bagay lamang. At ang “gender roles” (Ika nga, yaong sinabi mong magpakalalalake’t magpaka-gurl na lamang) ay pawang isang construction lamang ng lipunan. Iyan nga ang pinupuntirya ko sa komiks na ginawa ko, nararapat na pabagsakin na natin ng tuluyang ang maling pananaw ng mga tao tungkol sa kasarian.

    Ano ang maling pananaw na iyon? Iyon ay ang pagbibigay ng tradional gender roles at sexual preferences sa mga tao. Lubos ang prejudice ng nabanggit mong statement na ito:

    “kailangan pa bang pagtalunan yan?…”, ewan ko ba kung bakit may third sex pa…pa’no ba na-discover yan?…eh, kung ang girl magpaka-”gurl” nalang talaga at yong boy ay magpaka-boy na rin…naks!”

    Sa binanggit mong pahayag, tila ba kinakahon mo ang “lalake” sa pagiging Macho na lamang at ang babae sa pagiging babae na lamang e ang pagiging “lalakeng lalake’t” “babaeng babae” ay pawang gawa-gawa lamang ng tao. Wala talaga tayong GENDER roles at ang pagiging macho ng mga lalake’t mahinhin ng mga babae at ang heterosekswal na mga relasyon ay gawa-gawa o konstruksyon lamang ng prejudice/bigotry ng sangkatauhan (partikular na ng patriatika) kung kaya’t nararapat itong buwagin.

    Ikalawa, ang katawagang “third sex” ay napaka-offensive Sakura. Bakit? sapagkat ang pagbibigay ng third, second, at first labels sa mga kasarian ay pagbibigay rin ng hindi pantay-pantay na katayuan sa mga kasarian, o sa madaling salita nga, pagaatas ng HIERARCHY sa mga kasarian. Sa pagsabi mo niyan, sumasangayon ka sa ubod-ng maling paniniwala na FIRST sex ang lalake (kung kaya;t superior sila…kakasuka ah..) SECOND sex ang babae (pangalawa lang, only second best) at THIRD and mga homosexual (pinakamababa). Walang hierarchy ang mga tao, wala tayong una, ikalawa, ikatlo. Lahat tayo’y pantay-pantay. Ginawa tayo ng Bathala ng pantay-pantay at walang nakatataas. Wala sa kanya ang kasarian.

    Talagang nararapat pagtalunan ito sapagkat kung tutuusin marami pa ring tao, sana naman di ka masaktan (no offense) na gaya mong may mari paring paniniwala’t pagtingin tungkol sa kasarian ng tao sa mundo.

  8. itazuranara Says:

    Nais ko rin lamang tugunan ang nakakadismayang pahiwatig ni Sakura, sapagka’t sa aking palagay, hindi dapat hayaan ang mga pahiwatig na katulad ng sa kanya, na sadyang suntok sa buwan, ika nga.

    SAKURA, basahin mo ito, para sa’yo ito:

    Unang una, kung may problema ka sa pananalita namin dito, huwag ka nang mahiya sapagka’t ‘di ka naman namin nililimitahang magpahiwatig sa Filipino lamang eh. Mag-Ingles ka kung gusto mo, wala namang pumipilit sa kolonyal na pag-iisip mo eh.

    Pangalawa, hindi maselan ang usaping ito, sadyang paghaharap lang ang mga iyan sa mga masasakit na katotohanan na nararanasan ng ating lipunan. Kung sa tingin mo ay mali ang mga nakikita mo rito, hindi ka naman pinipilit na intindihin ang bawat pakikipagbalitaktakan namin dito eh. Ngunit sana maintindihan mo na unang una, ang mga pananaw mo ukol sa pagkukulong ng mga tao sa kanilang “pagkababae” o “pagkalalaki” ay napakamali. Kung susuriin mo ng mabuti, hindi naman natin pinili ang maging lalaki o babae tayo pagkaapak natin sa mundong ito, hindi ba? Kung kaya’t hindi talaga tama kung iisipin natin na sa ultimong pagkatao natin, limitado pa tayo. May karapatan tayong pumili, ang lipunan lang ang nagsasabing hindi, at hindi dapat tayo lagi sumunod sa lipunan, sapagka’t nagsisilbi lamang ito bilang isang balakid sa ating kalayaang magpahayag ng saloobin.

    Isa pa, nais lang naman sana baguhin ng pahinang ito ang pananaw mo sa tinatawag na “gender roles”, ngunit lumalabas kasi na pinagtatanggol mo pa ang sira mong pananaw, eh. At sana ayus-ayusin mo naman ang sarili mo ukol sa pagbabansag ng “third sex”. Ika nga ni Hael, pinapalabas kasi niyan na may hierarkiya ang mga “gender” eh.

    Nawa’y naging maliwanag sa iyo ang aming mga pahiwatig. :D

    Ngunit kung hindi mo talaga maintindihan ang aming mga pinagsasabi…

    PROBLEMA MO NA IYON! Ha ha ha. Nakakaawa ka talaga pati ang mga katulad mo. Kaya nabubulok ang lipunang Pilipino ngayon kasi nabubuhay ang mga nilalang na katulad mo eh.

    t(‘,’t)

  9. ahm… meron amang akong gustong sabihin dhil naging interesado akoh sa mga nabasa koh…

    sa aking pananaw hindi masama ang “third sex” although ilan pa rin sa atin lipunana ang hindi san ayon dito… and i think wala na tayong magagawa para pigilin sila…. tao din sila na marunong masaktan… kailangan natin silang tanggapin dahil nakakatulong din sila sa ating lipunan…. kung alam natin na wala silang ginagwa hayaan nlang natin sila…

    ayon ang gusto nia at dapat suportahan nalang natin sila… dahil hindi msama ang pag kakaroon ng third sex…

    un lang poh.

  10. ara ara. Tama ka, kailangan nga lang tanggapin ng iba ang realidad na normal lamang at walang masama sa ganitong uri ng mga relasyon. Ikinagagalak kong mabasa itong iyong positibo at tuwid na pananaw ukol sa mga homosekswal.

    Maraming salamat sa paglahad ng iyong pananaw. Karagadagang impormasyon lamang sa iyo, ang paggamit ng salitang “third sex” upang ituri ang mga homosekswal ay “politically incorrect” kung kaya’t hindi angkop ang paggamit ng salitang ito sa kanila. Homosekswal na lang :) .

  11. rebecca pascual Says:

    may kaibagan poh kow na hindI mLaMn ANg GaGaWIn….
    MlAPit Na dW POw aNG VaLEnTInes Day pEro waLA sYanG mGaWA Dhil UNG gIRLfRieND nYA nA fRienD kO rIN Ay LGiNg BinBaNTaYAN nG kNyANg tItA nA AmING GuRo NAmaN naSi mAam LaUra……HdI mAn Lng nYa MagAwang LpITan…. NaaWa nMAn poH Ko…kAYa BilANg TUlONG,,, GiNAwa Ko nG frIEndsTer aNG aKinG KaIBiGANg bABae na MagigiNg bAGaY pArA SA kAnILanG cOMMuNcATioN…..

    Ano POh BANG mGAndaNg gAwIN nG frIENd kOnG sI rAmil sa VaLENtINES daY……

  12. hmm..nais ko snang ipahyag ang aking opnion bout dis topic..
    i agree with homosexual ders nothng wrong..
    gusto nlang mging masaya eh..
    sv nga nmn “kung san k masaya dun k” ..
    Ders nothng wrong with homosexual.
    ndi nla ksalanan n mging gnun..
    ndi nmn cLa mga criminal at salot s lipunan..
    mrmi akong friend n gnyan..
    and honestly cLa p ung mga mssrap n ksama..
    ndi cla ung plastik,maarte,susyal cla ung mga tto0ng kaibigan..

    un lmng po..slamat..

Leave a Reply