Peb 28, 2008 +Mga nakangiting Katay+

Babala: Ang komiks na ito ay likha ng kasabawan ng utak. Ikalawa: Gusto ko ng baboy. (I click lamang ang preview para sa buong komiks)

copy-of-feb28.jpg

Bata pa lamang ako’y lubos ko ng pinagtataka kung bakit laging nakangiti ang mga baboy, manok, at baka sa mga logo ng mga katayan o restaurant. Mabuti pa ang Andoks, salitang “Andoks” lang ang logo, di gaya ng KFC kung saan masayang masaya si “Chuckie”, ang kanilang mascot na manok habang patuloy na kinakatay, niluluto, at kinakain ang mga kauri niyang manok. Laging ko ngang pinupuntirya ang Logo ng Baliwag Litson Manok Liempo na katabi lamang ng paaralan ko dati e. Takang-taka lamang talaga ako kung bakit nakangiti ang mga hayop sa mga logo at adbertisment nila, samantalang kinakatay naman sila sa mga madugong paraan, at malala pa- KINAKAIN.

Nakakapagtaka’t nakakatawa lang talaga…mahilig sa BLACK comedy ang mga restaurant..

4 Responses to “Peb 28, 2008 +Mga nakangiting Katay+”

  1. pag ganyan ang usapan tungkol sa mga hayop parang gusto ko nalang maging vegetarian..

    galing mo gumuhit :)

  2. Marami hong salamat! nakakaawa nga sila talaga pero sadyang di ko rin maiwang kumain ng baka at manok…hehe..

  3. napakalupet ng pagkakaguhit. :D reminds me of someone na kasing galing mu *kilig* hahaha tignan ko na nga rin ung deviantart mo. :D

    add pla kita sa links ko.

  4. ahahaha!! salamat sa puri! natawa naman ako dun sa kinilig ka pa.

    Ara! siya nga pala, salamat din sa pagdagdag sa akin sa links mo. Inaadd na din kita. Magandang araw sa iyo.

Leave a Reply