Marso 6, 2008 +Hunger Strike = zombie plague+
Sa hunger strike, matira ang matibay…
Magreklamo na lamang ng magreklamo tungkol sa kasalukuyang katayuan ng kanilang mga buhay ang natatanging bagay na kinakayang tiyagain ng ibang mamamayan.
Nitong mga nakaraang linggo, patuloy na binulabog at natulili ang aking mga tengga sa paulit-ulit na balita tungkol sa ZTE broadband isyu, kawalang-kwentahan ng gobyerno, at sa mga walang kamatayang pag-aalsa/pag-rarally ng sari-saring grupo ng tao. Wala namang progreso ang lipunan sapagkat hindi nagtutulungan ang gobyerno at ang mga mamamayan.
Nararapat na hindi lamang puro paninisi sa gobyerno at puro rally and isagawa ng mga tao. Ang patuloy na paggambala sa payapang senaryo ng bansa ay nakababa ng ekonomiya at ng halaga ng piso sa pangmundong merkanto. Wala pa naman talagang ipapalit *na karapatdapat talaga* sa kasalukuyang pangulo… kating kati lamang ring palitan ng mga ambisyoso’t ambisyosa sa senado ang pangulo kapag siya ay bumaba. Nararapat na di magpaggamit o magpadala ng basta basta ang mamamayan sa mga “Makabayang” pagtatalumpati ng mga sikat na personalidad.
Manunuod na lamang ako ng Land of the Dead o kaya the Cannibal Ferox maya maya kaysa sa masira nanaman ang araw ko sa mga pangit at sinungaling na mukha sa T.V *ubouboprobinsyanonguboinstik*…magandang araw

March 8, 2008 at 12:31 am
Parang ganyan nga ang pakiramdam ko sa tuwing nakakabalita ako sa Pinas. Parang wala ng katapusan and reklamo sa pangulo. Mas uunlad talaga ang Pilipinas kung issue at policy ang pinaguusapan at hindi personalidad. Karapatdapat kaya ang demokrasya sa Pilipinas o nagiging lubhang destructive ang sobrang laya?
March 8, 2008 at 12:40 pm
Lubusan akong sumasanayon sa iyo mabuting ginoo. Nakasusuya tuloy mauod ng balita sa T.V at puro kapangitan na lamang halos ang masasaksihan mo.
Abusado na nga ang nakararaming Pilipino e.. Pero hindi rin natin masisi ang iba sa kanila sapagkat nalubog na talaga sila sa hirap ng buhay (na maari ring kasalanan nila pagkatapos nilang sagutin ang tawag ng mga laman nila’t magkaanak ng mahigit 10!!! at maari rin namang di nila kasalanan at biktima lamang sila ng korupsyon sa lipunan), at ikalawa’y hirap na rin talaga ang mga tao pagkatiwalaan ang gobyerno sapagkat…*uboubo* ang gobyerno.