Abril 1, 2008 +Dyipni Manners I: LONG DISTANCE+
Ilang milya ang layo mo sa kausap mo sa dyip?
Isa lamang ito sa mga sunod-sunod na komiks ko tungkol sa mga dyipni. Walang konsiderasyon ang mga nilalang na naglo-”LONG DISTANCE” na usapan sa jeep. Tipong gaya nga ng pinakita sa komiks sa taas, 3-5 tao ang layo nila sa isa’t isa ngunit panay pa rin ang talak nila. Nakatutulili ang boses ng nag-uusap sapagkat, NATURAL, kailangan nilang lakasan at bingihin ang mga katabi nila alang-alang lang sa kapakanang magkariningan at intindihan sila. AT siyempre, hindi na maiwasan ang walang kamatayang pagtilamsik ng laway sa kung saan-saang bahagi ng katawan ng mga kaawa-awa nilang katabi.
Magkakonsiderasyon naman sana ang ibang pasahero sa mga kapwa pasahero nila. Unang una, hindi pribadong behikulong pangtansportasyon ang dyip, ito ay PAMPUBLIKO. Kung kaya’t nararapat lamang na maging marespeto ang mga pasahero sa kapwa nila.
INGAY+LAWAY=PESTENG PASAHERO
PS: Buhay pa rin ang mga batang death-rock.
